Knowing the best modern way of family planning methods will really help you and your partner to make a happy family in the future. The list below will give you all the modern ways of family planning presented by PhilHealth.

List of modern ways of Family Planning methods in the Philippines


Please refer to the list below for more details.

List of modern ways of Family Planning methods in the Philippines

Standard Days Method (Cycle Beads)
Ito ay isang natural na pamamaraan kung saan ginagamit ang cycle beads upang matukoy ang panahong fertile ang babae. Ito ay angkop sa mga babaeng may regular na siklo (26-32 ang haba).

Lactational Amenorrhea Method (LAM)
Ang LAM ay isang natural na pamamaraan na maaaring gamitin ng mga babaeng nagpapasuso. Kailangan siguraduhin ang mga sumusunod; a) wala pang anim na buwan ang sanggol, b) hindi pa bumabalik ang regla, c) madalas magpasuso araw-gabi at tanging gatas lamang ng ina ang ibinibigay sa sanggol.

Symptoms-Based Methods
Sa mga pamamaraang ito (Cervical Mucus Method at Sympto-thermal Methods), binabantayan ang temperatura, mucus, at pagkirot ng puson ng babae. Ito ay angkop gamitin ng karamihan maliban sa: a) mga babaeng katatapos lang makunan, b) mga babaeng nagbabago ang siklo, c) mga babaeng may kundisyon kung saan ang temperatura ng katawan ay natural na tumataas.

Pills
Ang pills ay uri ng hormonal contraceptive na iniinom araw-araw sa takdang oras para masiguradong epektibo ito. Ito ay angkop sa mga mag-partner na gustong mag-agwat ng anak gamit ang pansamantalang paraan na maaaring itigil kahit anong oras. Ito ay maaaring gamitin ng karamihan, maliban na lang ang mga babaeng natukoy na may kanser sa suso.




Condoms
Ito ay isinusuot ng lalaki sa kanyang matigas na ari bago tuluyang makipagtalik. Ito ay angkop sa: a) mga magpartner na may mataas na posibilidad magkaroon ng STD, b) mga may kalagayang pangkalusugan at hindi maaaring gumamit ng mga hormonal methods, c) mga lalaking katatapos lamang magpa-vasectomy at naghihintay na maubos muna ang semilya. Wag gamitin kung may allergy sa latex.

Progestin Subdermal Implant
Ito ay isang uri ng hormonal contraceptive kung saan ang isang malambot na vinyl rod na mala-palito ng posporo ang liit ay inilalagay sa ilalim ng balat ng braso ng babae. Ito ay mabisa hanggang 3 taon. Ito ay maaaring gamitin ng karamihan, maliban na lang ang mga babaeng natukoy na may kanser sa suso.

Bilateral Tubal Ligation (BTL) for Woman
Ito ay isang permanenteng pamamaraan kung saan tinatalian at pinuputol ang dalawang anurang itlog (fallopian tubes). Ito ay angkop sa mga babaeng ayaw nang madagdagan pa ang bilang ng anak. Kailangan lamang siguraduhing siya ay hindi buntis bago gawin ito.

Progestin-only Injectable
Ito ay uri ng hormonal contraceptive na iniineksyon sa babae kada tatlong buwan para masiguradong epektibo ito. Ito ay maaaring gamitin ng karamihan, maliban na lang mga babaeng natukoy na may kanser sa suso.

Intra-uterine device (IUD)
Ito ay isang malambot na plastic na inilalagay sa matris upang hadlangan ang pagsasanib ng punlay at itlog. Epektibo ito hanggang 12 taon. Ito ay angkop para sa mga babaeng: a) naghahanap ng pangmatagalang pamamaraan na maaaring itigil ano mang oras, b) nagpapasuso ng sanggol, c) may sapat na bilang na ng anak pero hindi nais magpa-ligate.

No-scalpel vasectomy (NSV) for Man
Ito ay isang permanenteng pamamaraan kung saan tinatalian at pinuputol ang dalawang anurang punlay (vas deferens). Ito ay angkop sa mga lalaking ayaw nang madagdagan pa ang bilang ng anak.

If this article helped you, share this in your friends on Facebook, Twitter or Google+. Just click any of the buttons above. Sharing is giving. Salamat po!