Here is the list of the unknown interesting facts about our national flag, the Philippine flag. The listed facts below are just nine, while the original trivia written by Unang Hirit got 10 facts. We excluded one from the list because we think its kinda political tirade again and again.

TRIVIA: List of Unknown Facts about the Philippine Flag

Please refer to the list below for more details.

TRIVIA: List of Unknown Facts about the Philippine Flag

1. Ang tatlong bituin sa ating bandila ay sumisimbolo sa mga isla ng Luzon, Mindanao at Panay, hindi Visayas. Ayon sa Proclamation of Independence noong 1898, ito noon ang tinatwag na "archipelago's three principal islands."

2. May pagkakahawig ang mga bandila ng Pilipinas, Cuba at Puerto Rico. Ang tatlong bansang ito ay mga dating kolonya ng Espanya.

3. Aang tatlong pangunahing kulay ng watawat ng Pilipinas (bughaw, pula, at puti) at ng paggamit ng bituin ay nakabatay sa watawat ng Amerika.

4. Sa selebrasyon ng Centennial of the Proclamation of Independence noong 1998, pinalitan ng royal blue ang dating navy blue na kulay ng watawat sa payo na rin ng mga historian.




5. May dalawang proposal noon ang dating Pangulong Fidel V. Ramos na palitan ang watawat. Ito ay ang pagkakaroon ng crescent moon na simbolo ng Muslim community.

6. Ang puting tatsulok ay sumsagisag sa Katipunan.

7. Noong 1907, minsan nang na-ban ang watawat ng Pilipinas sa bisa ng Act 1697 kung saan ipinagbawal ng Amerika ang pag-display sa ating bandila at pagtugtog ng pambansang awit dahil gusto ng US na watawat nito ang gamitin.

8. May panukala noon na gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat. Ang ika-siyam na sinag ay simbolo sana sa probinsiya ng Zambales na minsan ding nakipaglaban para sa sksarinlan.

9. Simbolo ng walong sinag ng araw sa ating watawat ang walong probinsiyang unang sumuporta sa rebolusyon. Subalit, sa orihinal na dokumento, hindi nakalista ang Tarlac, bakus ang probinsiya ng Bataan.

source: Presidential Museum and Library

If this article helped you, share this in your friends on Facebook, Twitter or Google+. Just click any of the buttons above. Sharing is giving. Salamat po!